august 29,2006
aray ah! peste!
almost perfect na sana ang araw ko kahapon,
kaya lang, me ibinalita sa akin si cean na talagang ikinagulat ko...
bago ang lahat..
gusto ko muna marefresh ang mga happy memories...
kung naaalala ninyo, sa una kong blog, nilagay ko na lumabas kami ni timmons noong april 17..
napakasaya ko noong araw na iyon..
kaming dalawa lang ang lumabas/gumala...
kung ano ano lang ang ginawa namin...
nanuod ng sine, kumain, naglakad, naghanap ng regalo para sa tatay ko...
hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon..
napakasaya nun..
halos dream come true nga eh..
minahal ko siya ng sobra, tapos parang i felt na everything is falling into place..
kaya lang, kahapon natapos ang maliligayang araw ko!
binalita sa akin ni cean na liligawan daw ni timmons si lea...
grabe!
nung una,sinabi ko sa mga kasama ko na hinding hindi ako iiyak..
di nagtagal, naluluha na ang mga mata ko..
before i knew it, umiiyak na talaga ako!
di ko naiwasan na umalis sa canteen..
tumakbo ako papunta sa quad papunta dun sa bag ko..
after nun, medyo nagstop yung mga luha ko..
kaya lang, after a few mins., pagkapasok nung bag ko sa tapat ng chem room..
naiyak na naman ako...
para akong nawawalang bata nun...
maya maya, hinanap ko si petut at abbey...
tapos, sinabi ko lahat...
this time, hindi na siya iyak..
hagulgol na siya talaga..
imagine garfield eyes ako!
ampanget!
pag uwi ko, naiyak pa rin ako..
maya maya pa, tumawag si angkico sa amin...
biruin mo, kausap ko siya sa telepono, umiiyak ako..
kakahiya!
pero ano magagawa ko, masakit yung ginawa niya eh...
mukha akong manika na pinagpraktisan ng lahat!
nakakaasar siya!
feeling ba niya hindi ako tao para hindi masaktan?!
kapal ng mukha niya!!
this is the start na talaga!
GC mode na ako..
loveless life muna!
kaya ko toh!!(sana)